"Recorrecting the common
misconceptions of the Filipino
People..."
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
kapag nasa America ka akala nila
madami ka ng pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat
ang gamit mo sa pagbili mo ng mga
gamit mo. Kailangan mo gumamit ng
credit card para magka-credit history
ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang
utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga
kano . Pag wala kang credit card, ibig
sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may
kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka
bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim
ng init ng araw o kaya sa snow. Walang
jeepney, tricycle o padyak sa
America ..
Akala nila masarap ang buhay dito sa
America . Ang totoo, puro ka trabaho
kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at
iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay
sa kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka
ng picture mo sa Disneyland, Seaworld,
Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan
mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+
para makarating ka dun, kailangan mo
na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America.
Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa
presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas
$1.00 sa America , ang isang pakete ng
sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na
P10,000 sa Pilipinas, sa America
$1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase
ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang
totoo milyon ang utang mo. Ang bago
mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sabihin, alipin ka ng bahay at kotse
mo.
Madaming naghahangad na makarating sa
America . Lalo na mga nurses, mahirap
maging normal na manggagawa sa
Pilipinas. Madalas pagod ka sa
trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo
ding magbanat ng buto para mabuhay ka
sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis
mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan
Tags: GANITO TALAGA BUHAY SA AMERIKA